Ano Ang Laging Paglalarawan O Pagtingin Ni Florante Sa Kanyang Bayan Ng Albanya?
Ano ang laging paglalarawan o pagtingin ni florante sa kanyang bayan ng albanya?
Mga Pahayag ni Florante sa Albanya
Naramdaman ni Florante na pinabayaan na sya ng Albanya. Naisip din nyang kinasusuklaman ng Albanya ang pinangako niyang tungkuling magtanggol, at hinayaan pa nitong kainin siya ng mga hayop kahit inialay niya sa Albanya ang mga iniyak niyang dugo. Sa tuwing ipinagtatanggol niya ang Albanya sa mga mananakop, nailalarawan ang pagkaubos ng kanyang dugo na nagpapahiwatig ng marahas na digmaang kanyang nararanasan upang maipagtanggol lamang ang Albanya.
Para kay Florante, kamatayan ang bayad sa kanya ng Albanya. Lahat ng ito ay dahil naisip ni Florante na hindi dapat siya nakakaranas ng masaklap na kalagayan kung mahal siya ng Albanya. Bagamat pinasasalamatan ni Florante ang Albanya, ninais na rin nyang matapos ang buhay dahil sa sobrang pagpapasakit at kalungkutan.
Karagdagang kaalaman:
Comments
Post a Comment