Ano Ang Kahulungan Ng Metikulosa
Ano ang kahulungan ng metikulosa
KAHULUGAN NG METIKULOSA
Metikulosa- Ang tawag sa ugali ng babaeng mahilig sa mga perpektong bagay halimbawa ay sa kalinisan. Ang isang metikulosang tao ay nakikita ang mga maliit na mali at pilit na itoy ayusing upang masunod ang ayon sa kanila ay tama.
Sa Ingles, ang ibig sabihin ay meticulous. Ito ang mga halimbawa ng mga pangungusap na gumagamit ng salitang metikulosa.
1. Napaka metikulosa ng Nanay ko. Akalain mo ba namang nakikita niya ang kakarampot na dumi sa makintab kung sapatos.
2. Naiinis ako sa mga taong metikulosa pagdating sa mga gamitin nila. Malabong magpahiram ang mga iyan.
3. Dahil siya ay ubod ng metikulosa sa pagkain, kitang-kita ang kanyang kapayatan.
4. Nakapangasawa si Nanding ng isang metikulosang babae kaya naman aninang sa mga damit nito ang linis kahit isa siyang mekaniko.
5. Si Ana ay metikulosa samantalang si Juan ay burara.
Try these links too:
Comments
Post a Comment